Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos
Si Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos (9 Nobyembre 1827 – 16 Agosto 1911) ay ang ina at unang guro ng pambansang bayani ng Pilipinas na si Jose Rizal.
Talambuhay: Teodora Alonzo
Ang Unang Guro ni Jose Rizal
Si Teodora Alonso ay ipinanganak sa Maynila noong Nobyembre 9, 1827 sa mag-asawang Roberto Alonso at Brigida de Quintos.
![]() |
Teodora Alonso photo credits to: www.etravelpilipinas.com |
Sa kabila
na namayani ang mga uring Kastila noong kanyang panahon, marami sa mga
Filipino ang naghangad na makatapos ng pag-aaral at kabilang si Teodora
sa mga kababaihang pinahahalagahan ang karunungan. Nakapagtapos siya ng
pag-aaral sa Kolehiyo de Santa Rosa.
Noong
Hunyo 28, 1848, ikinasal siya kay Francisco Mercado ng Binan, Laguna.
Binayayaan sila ng anim na babae at dalawang anak na lalaki. Istrikto at
mapagmahal na ina si Teodora. Lahat ng kanyang anak ay hinubog niyang
maging marangal at may pagmamahal sa bayan. Bilang isang maybahay,
malaki ang naging tulong ni Teodora na mapaunlad ang kabuhayan nilang
mag-asawa.
Malaki ang
ginampanan niyang tungkulin sa maagang pagkatuto at pagkasigasig ni
Rizal sa pag-aaral. Siya ang naging unang guro nito sa pagbasa. Tinuran
din niya itong maging malapit sa Diyos sa pamamagitan ng pasaulo ng
dasal lalong-lalo na ang pagrorosaryo.
Katulad ng
anak niyang si Rizal, mahaba ang dinanas niyang pahirap mula sa mga
Kastila. Noong 1871, ikinulong siya sa piitan ng Santa Cruz sa akusang
pagpatay na kanyang pinagdusahan sa piitan sa loob ng dalawang taon.
Hindi lamang ito ang naging habla sa kanya, maging ang pagnanakaw,
paghamak sa korte, pagmamalupit sa mga tao sa kanilang lupain na pawang
gawa-gawa ng mga naiinggit at may mga galit sa kanilang pamilya. Ngunit,
isa-isa itong napawalang bisa sa hukuman. Tuluyan siyang napalaya sa
kulungan nang makipagsayaw ang kanyang bunsong anak na babae sa
Gobernador Heneral na nabighani nito.
Taong
1891, sa edad na 64 hinuli siya sa dahilang hindi paggamit ng totoo
niyang apelyidong Realonda. Kahit matanda na, muli siyang dinala at
ikinulong sa kapitolyo ng Santa Cruz.
Sa
panahong ito ay unti-unting lumalabo ang paningin ni Teodora. Sinuri ito
ng kanyang anak na si Rizal at pagkaraan ay isinagawa ang operasyon.
Ang muling paglinaw ng kanyang mga mata ang nagpadilim naman sa buhay ni
Rizal sa mga kamay ng Kastila.
Ang
kamatayan at kabayanihan ni Rizal ay nagpahirap sa kanyang kalooban
ngunit kailanman ay hindi niya ito ipinaghihinakit. Noong panahon ng mga
Amerikano, inalok nila siyang bigyan ng buwanang pensyon subalit kanya
itong tinanggihan. Namatay siya noong Agosto 23, 1911.
KONKLUSYON: Sa aking palagay napaka buti niyang ehemplo sa bawat isa sa ating mga pilipino, Isa siyang kahanga hangang babae na may dignidad at katapatan sa bansa. Bukod sa siya ang naging guro ni Dr.Jose P. Rizal siya din ang nagturo dito upang malapit sa Diyos. Siya ang babaeng nagpahalaga ng todo sa karunungan at pag aaral.